Ako si Mamang Pulis

via Ako si Mamang Pulis (One Call Away Pulis Version) – YouTube

Sa panahon na minsan nakakatakot na ang takbo ng lipunan, marami sa atin takot ng magtiwala sa Pulis. Nakakatuwang isipin na may isang Pulis sa katauhan ni PO2 Roberto Abella Jr. na handang gamitin ang talento para iparating ang tawag ng kanyang tungkulin.

Merun na siyang mahigit 28,000 na subscriber sa YouTube. Kumanta na din siya sa Programang Unang Hirit ng GMA7. Apat sa mga kinanta nya ay napanood ko at ito ang awitin na natuwa ako. Gumawa siya ng sariling Tagalog Version ng kantang ONE CALL AWAY, at ito ay naglalaman ng isang napaka makabuluhan na mensahe para sa ating lahat sibilyan man o mga kahanay nya sa trabaho. Hindi ko alam kung mababasa mo ito Sir, Saludo po ako sa ginawa mong kanta na ito, at nawa ay bigyan ka pa ng kalakasan upang magampanan ng tama ang iyong tungkulin sa ating Inang Bayan.

Ako si Mamang Pulis (One Call Away Version)

Composed by: PO2 Roberto Basan Abella Jr.

Ako si Mamang Pulis,
Ang buhay ko’y handang ibuwis
Kahit na anong mangyari
Ako ay magsisilbi

Ako’y handang tumulong sa iyo
Isang tawag mo lang agad dadamay sa iyo
Kaibigan magtiwala ka
Ako’y nakahanda di ka nag-iisa

Ako si Mamang Pulis,
Ang buhay ko’y handang ibuwis
Kahit na anong mangyari
Ako ay magsisilbi

Sa akin ay huwag kang matatakot,
akong bahala sa mga nagkalat na salot
Lahat, ay ating makakaya
Basta’t, sa aki’y magtiwala ka
Sa mga kriminal, Ako na ang bahala
Ako’y nakahanda di ka nag-iisa

Ako si Mamang Pulis,
Ang buhay ko’y handang ibuwis
Kahit na anong mangyari
Ako ay magsisilbi

Kahit anong sakuna
ika’y makakaasa
Wag mabahala, tawagin mo dahil
Ako’y nakahanda, di ka nag-iisa

Ako si Mamang Pulis,
Ang buhay ko’y handang ibuwis
Kahit na anong mangyari
Ako ay magsisilbi

Advertisements

10 thoughts on “Ako si Mamang Pulis

        1. Thanks sa pagfollow, ang ganda ng blog mo, 🙂 . Youre in U.S? Good thing ,alam padin tagalog..English sana isusulat ko pero tagalog nlng..wala pang one month ung site ko..dami kong natutunan sa inyo n mtgal ng ngbblog 🙂

          Liked by 1 person

          1. Uy thank you 🙂 Yes sa US me, tagalog pa din nmn hehe ako Ng umpisa nung october last year kaso nka private lg kasi ng dadalawang isip pa ako nun.. nitong march lg nka public na.. so medyo bago din ako. Sali ka sa mga challenges pra marami mka kita ng blog mo. Yung mga nka highlight na works sa blog ko click mo yun pra ma basa mo yung instructions 🙂 ingatz 😊😊

            Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s