Ano ang BPO o Business Process Outsourcing?

Ang Business Process Outsourcing o BPO ay isang proseso kung saan ang isang organisasyon ay kukuha ng lakas paggawa o manpower sa isang bansang may sapat na kakayahan at kwalipikasyon ang mga mamamayan. Ang bansang kagaya ng Pilipinas ay isa sa paboritong kuhaan ng mga manggawa online. Marami kasing mga Pilipino ang may sapat na educational attainment, masisipag at isa sa bentahe ang ang pagiging bihasa ng mga ito sa Ingles mapaverbal man o pagsulat. Kilala ang Call Center Industry na BPO. Napakarami kasing clients mula sa America ang pinipili na mag outsource dito sa Pilipinas dahil sa iisang dahilan. Mura ang labor cost. Mas malaki ang matitipid nila kung kukuha sila ng mga agents sa Pilipinas kesa mga taga america ang maging ahente nila. Malaki ang impact ng BPO sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa ilang dekada na umiiral ang ganitong industriya ay maraming Pilipino ang nagkaroon ng disenteng trabaho. Itinuring nga na isa sa backbone ng ekonomiya ng bansa ang BPO dahil sa laki ng revenue na nakukuha mula sa mga dayuhang mamumuhunan. Bukod sa mga call center companies. Marami nadin mga freelancing website para makapag outsource din ang mga businessman mula sa ibang bansa ng mga skilled worker sa Pilipinas. Karamihan ay mga Virtual Assistant na gaya ko. Meron ding mga Bookkeeper na nahahire nadin online dahil sa mga websites na ito. Personally sa onlinejobs.ph ako nakakakuha ng trabaho. Pero meron din akong mga kaibigan na sa Upwork naman nag-aaply. Iba iba ang mga trabaho depende sa mga negosyo ng mga clients.

Advertisement

2 thoughts on “Ano ang BPO o Business Process Outsourcing?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s