BUHAY CALL CENTER. PAANO KA PAPASA?

avaya-e1491920187484.jpg

Ito ang mga bagay na dapat mong malaman para makapasok ka at maunawaan mo kung ano ang buhay ng isang call center agent. Bago ka mag-apply kailangan mong tanggapin na ang buhay sa industriya na ito ay kadalasang nasa gabi, kaya kung antukin ka at hindi mo kaya ang pagpupuyat hindi nararapat ito sayo.

BPO o Business Process Outsourcing, ito talaga ang industriya ng Call Center. Ito ay istratehiya upang makakuha ang murang lakas paggawa. Pilipinas ang itinuturing na nangungunang bansa pagdating sa BPO. Naging malaking bahagi nadin ng ekonomiya ng Pilipinas ang BPO at halos pumantay ang revenue nito sa remittances mula sa mga OFW. Tinalo na natin ang bansang India simula noong 2011 pa at kung mapapansin mo laganap ang BPO sa Luzon, Vizayas, at Mindanao.

Bakit ba naging ganito kalakas ang industriya na to sa Pilipinas?

Una, Naniniwala ang Foreign Investors na mahuhusay mag english ang mga Pilipino na sa palagay ko ay tama naman dahil subject ito sa basic education lalo na ngayon na may senior high school na ang bansa

Pangalawa, mura ang rate na binibigay sa pinoy kumpara sa mga taga India. Kung ako din naman ang negosyante dun nako sa tipid at mahusay na mga mangagawa

Pangatlo, at pinakamahalaga bilib sila sa husay at sipag ng pinoy

Ano ang mga kagandahan kung makakapasok ka sa BPO?

Walang Diskriminasyon sa edad, Kahit lolo na ay pwede makapasok as long as competent pa cya magtrabaho

Walang Diskriminasyon sa kasarian at sa pisikal na pangangatawan. Pasok ang mga LGBT at kahit yung mga kababayan natin na may kapansanan ay nakakapasok din

Walang Diskriminasyon sa edukasyon. Kahit High School Graduate ay pwede mag apply basta marunong mag english

Isa ito sa highest paying job sa ngayon at madali ang regularisasyon. Ito rin ang nagustuhan ko hindi maarte mag regular sa BPO kaya maraming nabigyan ng trabaho ang industriya na to.

Ano ba ang kadalasang nagiging trabaho sa Call Center?

CSR (Customer Service Representative). Sila yung mga agent na nagbibigay ng serbisyo mula sa negosyo ng mga kliyente nila

TSR (Technical Support Representative). Sila naman yung mga agent na naghahandle  ng mga isyung teknikal ng kani kanilang mga Kliyente

Non- Voiced. Sila naman yung mga back office at hindi naman humahawak ng calls

Kung First timer ka na applicant at High School Graduate ka, malamang at sa malamang CSR ang makukuha mong trabaho.

Inbound- Ikaw ang tatawagan ng customer

Outbound-  Ikaw naman ang tatawag sa mga customer

Kailangan ba talagang mag english?

Ang sagot ko ay OO dahil foreigner ang mga kliyente. At HINDI dahil hindi naman lahat ng kumpanya ay international, merun ding tinatawag na Local Accounts. Yung mga local company merun din namang call center gaya ng Jollibee, Sun Cellular, etc. Pag nasa local account ka, mataas ang chance na tagalog naman ang gagamitin mo.

Paano ka ba makakapasok sa BPO?

Keep in mind kailangan mong maging handa, kahit naman hindi ka sa call center mag apply dapat handa ka. Ang skill ay natutunan naman dahil may training ka pag nakapasa kana sa interview. Ibig sabihin interview ang susi para makapasok ka sa BPO. Kailangan mong paghandaan ang interview.

Paano paghandaan ang interview?

Ang interview ay question and answer lang naman. Hinahanap ng mga kumpanya ay yung mga aplikante na may sense sumagot sa mga personal at situational na mga tanong.  At dahil accessible naman ang mga impormasyon sa internet, pwede mo naman i research kung ano yung mga kadalasang tinatanong sa call center interview, pag alam mo ang mga possible questions, mas handa kang makapagbigay ng mga magagandang sagot.

Ang inyo pong lingkod at mahigit tatlong taon na nagtrabaho sa BPO at madami nadin po akong nairefer at naipasok  dahil binigay ko sa kanila ang mga impormasyon na ito. Kung interesado ka pang malaman kung paano ka magiging angat sa ibang aplikante  pwede mo akong ifollow dito sa blog ko or sa mga social media accounts ko. Sasagutin ko ang mga tanong mo sa abot ng aking makakaya. Magbibigay ako ng libreng tips kung paano ka makakapasa sa interview dahil kadalasan sa Initial Interview palang ay marami ng bumabagsak.. Mayroom  akong naturuan na dating bantay ng isang internet shop na ngayon ay nakadalawang taon nadin na nagtatrabaho sa Call Center na pinasukan ko at napromote nadin.

Maraming salamat sa oras sa pagbabasa, Hangad ko ang iyong tagumpay! Mabuhay ka!

Yossef

Advertisements

11 thoughts on “BUHAY CALL CENTER. PAANO KA PAPASA?

  1. At may professional career sa BPO, di gaya ng iniisip ng iba. Marami na ring kumpanya ngayon na matapos masubukan ang BPO ay nagdesisyong mag- in house. Nakakatuwa rin na marami na ring dayshift ngayon sa BPO simula ng pumasok ang ANZ sa BPO market natin.

    It’s a nice article!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s