Epektibong Mga Sagot sa Call Center Interviews

tips-for-job-interview (1)

Bilang karugtong ng una kong naisulat, narito na ang mga tips kung paano ang tamang pagsagot sa interview.

Una mong dapat tandaan ay panindigan na aplikante ka na kayang mag-english kung international account ang aaplyan mo. Ang mga interview sa BPO ay may mga phases or stages, mayroong tinatawag na Initial Interview. Dito palang sa stage na ito ay marami ng bumabagsak dahil hindi nakapagbigay ng maayos na introduction ng mga sarili nila. Madalas mong maeencounter ang “Tell me something about yourself” sa stage na yan. Ganito ang tamang pagcompose ng introduction pag naencounter  mo ito.

” Hello (Interviewer’s name), My name is Yossef John, you can just call me John. I am ____________________________, ____________________________. I took Bachelor of Science.( Course ) at ( Name of the School and location)  and graduated year 2009. I worked as a ( State your work experiences and the job description from recent to previous). I will be proud working in BPO industry that is now considered as the backbone of the economy of the country. I believe that time is valuable, and i will not be wasting it working with this great company.”

Discuss natin bakit ganito ang lagi kong ipinapayo sa mga aplikante. May tatlong elemento ang script na ito: Opening, Mid, at Closing. 

Sa Opening, tandaan na bago isalang sa interview, ay magpapakilala yung interviewer, mahalagang makuha mo ang pangalan nya nang sa gayon ay makuha mo ang atensyon nya. Yung dalawang blank spaces ay para makapagbigay ka ng something na unique about sa’yo. Gaya ko, I love watching the news, and i watch 5 different news program everyday. I also find it difficult to write numbers 5, and 8.

Remember that interviewers are always after the articulate applicant. Kailangan mong magisip ng kakaiba sa’yo atleast dalawang characteristics mo. At syempre dapat handa ka sa follow up question gaya ko tinanong ako what is the latest news, at may nasagot ako doon na tumingin na sakin yung nagiinterview.

Yung Mid, self explanatory naman, educational background mo at work experiences.

Ang Closing ay napakahalagang script dahil ito ay tatatak sa interviewer para piliin ka para sa next round na interview. Pwede ka mag-isip ng sa tingin mo na maganda sabihin or ipacheck mo sa akin ang nagawa mong script, at magbibigay ako ng payo. Ang introduction ay hindi naman dapat lumagpas ng dalawang minuto.

Pag nalagpasan mo ang Initial Interview ang maeencounter mo na ay ang personal or final interview. Sa stage na ito situational at hypothetical ang mga tanong. Mag research ka lang sa internet at malalaman mo ang mga tanong na ito, pero magbibigay ako ng mga sample questions ngayon para sa hypothetical.

Pag about sa customer ang tanong gaya ng mga complain kung paano mo ireresolve, tandaan mo llang ang acronym na L.A.G

L- Listen to the customer to determine the problem

A- Apologize for the inconvenience because sometimes the system is not functioning in favor of the customers

G-  Give solutions and recommendations

Sample ng mga hypothetical questions:

What is your favorite color?

Madali lang ang tanong na ito. Magbigay ng kulay at inaadvice ko na magbigay ng tatlong dahilan kung bakit iyon ang napili mo.

If we will eliminate a color in rainbow, what will it be?

Answer: Indigo, Because most of the people don’t recognize this color easily

If you will become a celebrity, Who would you be and why?

Answer: Pumili ka ng pinaka famous sa present time at idescribe mo lang ang characteristics nya.

Puputulin ko muna yung article na to. Kung may questions ka na feeling mo mahirap sagutin, ifollow mo ako or icomment mo lang dito at ibigay mo fb page mo ippm ko sayo direkta yung advice ko. Ayoko kasi ang mga makakuha ng information na ito ay hindi naman aplikante masasayang yung goal na makatulong sa kapwa.

Ito yung mga taong napayuhan ko:

“nothing is impossible. isa yan sa mga natutunan ko kay Josh. anumang struggle mo sa buhay, makakamit ang pangarap. we should grab every opportunities that will come on our way.”- Rue Labnao

“Ang dami kong natutunan sayo kuya Joseph hindi lang sa pag pupursige at pag lift up pag nahihirapan ako kundi sa pag papakilala mo sa sken sa industry ng BPO. Hinding hindi ko makakalimutan ung tinuro mo sken/samin ng ate ko: mga strategy, mga skills na dpat meron kami pg interview na kahit na mukang lalagapak kami sa interview bnbuild up mo ung confidence namin pra ipursue and dahil sayo at sa company mo, natanggap rin ako. Salamat sa lahat”- Eve De Guia

“what i’ve learned from you, for me to be able to pass those interviews in call centers, first, proper pronounciations between common letters f,p z,s b,v next is those advises and hints how questions be like when u are in an interview, how u composed words and explain it clearly that the interviewer will understand. third, responding with confidence that you really want the job and you will do everything for it, that u will be an asset to the company if they will hire u”- Alona Ruiz Provido

“Hi kuya joseph.. Natutunan ko.. Well kung pano icompose ang sarili bago sumagot sa tanong lalo na sa initial interview atsaka nakatulong din yung mga feedback about sa mga sagot ko”- Lyn De Guia

Thanks for taking time to read, i hope for your responses,

Yossef John