The heat is on

Araw at Buhay

1998

Ganitong panahon din noon nung kabi kabila ang mga graduation. Mainit at gaya ko, masaya lahat ng mga kaklase ko dahil sa wakas ay magtatapos na kami sa high school. Pagkatapos ng graduation, halos ayaw ko pang humiwalay sa knila dahil sa alam kong mgiiba-iba na kami ng landas sa buhay. Alam namin na ito ay simula pa lamang ng bagong paglalakbay sa buhay. Malungkot din ako dahil alam kong di na ako makakapagkolehiyo dahil hindi na kaya ng mga magulang ko na pag aralin ako.Mahirap lang kami at may edad nadin ang aking ama nung nagtapos ako sa sekondarya. Wala akong nagawa kundi humanap ng trabaho at tumulong sa pamilya.

Lumipas ang mga taon.

Iba iba ang mga naging trabaho ko, maliit ang sweldo, pero kailangan kong tyagain dahil wala naman akong choice. Yung mga kaibigan ko nakikita ko sila nag-aaral sa Maynila yung iba, yung iba naman, pinili lng mag aral sa malapit lang. Ako tuloy lang sa pagtulong sa pamilya. May isang beses na nakasalubong ko ang isang kaklase ko at nangumusta, sabi ko lang kailangan ko tumulong sa pamilya ko, dahil magisa lang akong nagtatrabaho nung mga panahon na yun, parang di ko kako kaya kasi mahahati yung isip ko.

“Alam kong kaya mo eh”

Yan ang sinabi nya sa akin. Oo di naman nawala sa isip ko na gusto ko mag aral ulit pero naghihintay pa ako ng pagkakataon.Habang nagkakaedad ka sa Pilipinas humihirap mkahanap ng trabaho lalo’t contractual ka lang. Nagpasya akong mgtraining ng English sa TESDA dahil alam kong mahusay ako dto. Ito ang naging daan para makapasok ako sa Call Center kahit High School Graduate ako. Nag ipon ako,pinagbutihan ko ang trabaho ko at lagi akong narerecognize sa mga ginagawa ko, hanggang sinasabihan na ako na magapply sa mas mataas na position, na ginawa ko naman ng dalawang beses pero bigo ako dahil yung ibang gusto din ng posisyon ay mga Degree Holder, sinabi ko sa sarili ko, mag-aaral ulit ako at nagbrowse ako sa internet ng mga schedule ng mga entrance exam sa U.P at P.U.P. Itong dalawang Unibersidad lang ang ang nasa isip ko,pero sabi ko kung sakaling makapasa ako sa U.P baka di ko kayanin ang gastos kaya nagdesisyon ako na sa PUP ako mag exam dahil alam kong mura ang tuition. May isang kaibigan ako na pinahiram ako ng UPCAT Reviewer, nung sumubok ako magsagot wala akong maitama.hahaha kaya kinailangan kong magreview ng isang buwan. Habang nasa work nagrereview ako gamit ang internet pag idle time. At napansin ko may mga nasasagutan nako, kaya alam kong handa na ako.

Dumating ang exam 2014 ,50k ang examinee,napakadami at yung mga magulang ng mga bata ay nandun din para suportahan ang mga anak nila.Kinakabahan ako at nung mga oras na yun napakadaming examinee na mabilis na nakatapos na sa isip ko imposible yun kung binasa nila yung exam,dahil binasa ko mabuti isa isa at di pwedeng masagutan ng ganun kabilis. Isa ako sa mga nahuli magpasa ng papel. Ang resulta daw ay lalabas makalipas ang 4 na bwan.

March 11,2015

Hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil release ito ng result ng exam. Hindi ako mapakali dahil hapon na wala pa yung result. Kinagabihan maaga ako pumasok sa opisina at ang unang ginawa ko ay tignan ung result. Uploading Files na ang nangyayare hanggang dumating sa letra ng last name ko. Habang papalapit lalo ako kinakabahan, hanggang sa nakita ko na pumasa ako, Heaven!  sinabi ko agad sa kaibigan at Boss ko at tuwang tuwa sila. Secondary Education Major in Math ang gusto ko kunin at nakuha ko naman.

Culture shock ako dahil mahirap pagsabayin ang pagaaral at pagtatrabaho hndi ko kaya. Ginive up ko ang trabaho ko at naghanap ng part time job na homebased lang. Mabuti naman ang Diyos naging Virtual Assistant ako. At ngrent ako ng room malapit sa school. Dahil sobrang tagal ko nahinto, more than 16 years hindi ganun kadali mgrefresh ng mga lessons lalo’t sa kolehiyo ay puro self study.

Sa ngayon ay incoming third year student na ako, at nagsisikap na maipasa lahat ng subjects para makagraduate din. Puno ang newsfeed ko sa fb ng mga picture ng graduation at lalo akong humahanga na kinaya nila ang college life dahil hindi biro ang magsunog ng kilay.

Salamat sa pagbabasa. Magcomment or ifollow nyo po ako dahil mas madaming mga articles ang ipapublish ko tungkol sa ibat-ibang topics.

Salamat,

Yossef John

Advertisements

6 thoughts on “The heat is on

  1. Isa kang inspiration Yosseph… alam mo ipagpatuloy mo lahat ng magagandang plano mo sa buhay… magdasal lang talaga… “For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you …

    ‎Jeremiah 29:12

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s