Kung naghahanap ka ng trabaho, malaking bahagi ng proseso ay ang interview, lalo na sa BPO, may serye ng mga interview na dapat mong pagdaanan. Una na nga dito ay ang Initial Interview. Sa stage na ito, maniwala ka sa akin, napakadaming bumabagsak at hindi nakukuha ang trabaho.
“Failure to prepare is preparation to failure”
Kung sasabak ka sa isang bagay na hindi ka handa ay hindi talaga ganun kaganda minsan ang resulta. Tandaan kailangan na makapagbigay ka ng magandang impression sa nag-iinterview sa’yo. Wag na wag kang maiintimidate kahit na naririnig mo na magagaling mag english yung mga applicant na kasabay mo at may mga Degree pa sila. Ang hinahanap ng mga nag iinterview ay yung mga aplikante na may sense magbigay ng sagot. Kaya sa initial interview palang dapat handa kana. Napansin ko na napakadaming bumabagsak sa initial interview, maaring kinakabahan sila, namental block, at madaming pang mga factors.
Paano natin maalis ang kaba?
Ako sa totoo lang nung alam ko na malapit na ang turn ko, nagpunta muna ako sa restroom at kumanta lang ako. Haha opo ginawa ko po ito. Bago din ako interviewhin ay uminom ako ng tubig dahil pag basa ang lalamunan mo, mas magiging malinaw ang boses mo.
Balik tayo sa Initial Interview
Kadalasan Panel Interview ang nangyayari dito. Ibig sabihin papasok kayo sa isang room tapos sabay-sabay kayo iinterviewhin. Mga 10-15 na applicants. May isang nag comment sa isang pinost ko related dito kung paano daw ba sasagutin ang:
“TELL ME SOMETHING ABOUT YOURSELF”
Ito naman talaga kadalasan ang pinapagawa. Sophie sasagutin ko na yung tanong mo. Una ito ay hindi naman talaga tanong, ito ay instruction na ipakilala mo ang sarili mo. May nakasabay ako sinabi niya yung pangalan niya tapos yung address nya, totally yun lang talaga yung nasabi nya. Wag na wag na yan lang ang isasagot mo, at bawal na bawal din magtagalog ha. Sa totoo lang scripted lang naman mga sinasabi dito. Kung gagawa ka ng pattern ng sasabihin mo at sisiguraduhin mong kabisado mo, at hndi ka mammental block, mataas ang chance na makapasa ka.
Merun akong isang tinuruan na makapagbigay lang ng introduction sa sarili naya at nagtuloy-tuloy siya sa final interview at nakapasa. Ayaw ko ipublish ung tip sa ngayon dahil maraming makakabasa nito na hindi naman aplikante
Ganito ang gagawin ko, Mag rerecord ng voice at gagawa ng guide sa Word or Pdf para ang makakuha lang ng lesson ay yung mga aplikante lang talaga. Ibibigay ko ito sa halagang P20. Maaring tataas ang kilay ng marami pero ako po talaga ay nagtatrain ng personal, alam yan ng mga nakakakilala sa akin. Gaya ng sabi ko sa naunang post ko na ang BPO ay laganap sa Luzon, Vizayas, at Mindanao. Hindi ko mapupuntahan lahat ng nangangailangan ng training na to. At hindi ko po ikakayaman ang P20. Ang gusto ko ay maraming makapasa at magkatrabaho. Naisip kong magturo sa skype pero hindi naman lahat ay may internet. At ganun din naman ang magagastos kung magiinternet shop sila.
Tandaan din na bukod sa Initial, may mga situational at hypothetical na mga tanong , after ng Initial kadalasan binibigay yun. Gagawa din ako ng mga training materials para dun, Para mas lalong mataas ang chance ng aplikante na makapasa at matanggap na sa trabaho.
Kung sa Initial at Situational interview ay handa ka, Magiging lutang at angat ka sa ibang aplikante. Yung mga naitrain ko, sa pangalan palang nila angat na agad. Malalaman nyo ito sa training materials na gagawin ko at ipapublish ko yun baka bukas o sa linggo.
Nagmessage ako sa ilan sa mga naipasok ko sa BPO. Tinanong ko lang sila kung ano ang masasabi nila, kung may natutunan ba sila sa akin, isa palang yung sumagot. Good Friday kasi ngayon puro offline. O baka tulog hahaha
“Nung nagvocational kami kung pano mag apply sa call center kung saan dating nagvocational din c joseph eh pumunta siya dun s room namin cguro my 10 days n kmi nun n ng-aaral.Nagpakilala siya at inencourage niya kami na mag apply sa kumpanya na pinapasukan nya non. At that time i think 1 year na siya nagwowork dun. Sabi niya madali lang daw mag apply at yung account so after ng vocational course namin, pinapunta niya kami sa pinapasukan nya so pinuntahan namin siya noon ksama ng iba kong trainees then tinuruan niya kami ng techniques, for usual questions na tinatanong ng interviewer, minotivate niya kami na hindi mahirap mag apply kaya kahit papano eh nawala yung kaba namin. so ito ko ngayon i’m already working with the same company where he endorsed me, for almost 4 years..thank you Joseph for the encouragement.”
what i’ve learned from you, for me to be able to pass those interviews in call centers, first, proper pronounciations between common letters f,p z,s b,v next is those advises and hints how questions be like when u are in an interview, how u composed words and explain it clearly that the interviewer will understand. third, responding with confidence that you really want the job and you will do everything for it, that u will be an asset to the company if they will hire u.
“Hi kuya joseph.. Natutunan ko.. Well kung pano icompose ang sarili bago sumagot sa tanong lalo na sa initial interview atsaka nakatulong din yung mga feedback about sa mga sagot ko “
Mahalaga din ang proper grooming
Isinama ko ang link nila sa fb para pwede kayo mag back ground check about sa akin. Sa next post ko ay isasama ko yung apat na feedback .
One more thing, kung naging epektibo ang mga payo na nabasa mo sa blog ko at nahire ka sa BPO, COME BACK TO THIS SITE OR SEND ME AN EMAIL/MESSAGE AND LET US ALL EMPOWER PEOPLE TO GET JOBS.