Ako lang ba ang may Plastic?

important-notice.jpeg

Hindi ito tungkol sa ugali ng pagbabalat-kayo. Hindi rin ito bugtong. Ano ito? 

Ito ay isa lamang sa obserbasyon ko na sa tingin ko ay dapat din obserbahan ng marami sa atin. Isang buong araw ko kasi nakita kung gaano ako nakakadagdag sa problema sa basura.

Gumising ako isang umaga at kinagawian ko na ang magkape. Hindi kumpleto ang araw ko ng wala ito. Naglakad ako papunta sa tindahan na binibilhan ko madalas. “Ate patimpla po ulit” at binigay naman sakin ang gusto ko. May kape ako sa styro cup. Bumalik ako sa kwarto na inuupahan ko, napakasarap ng kape at enjoy lang ako ubusin. Nung naubos ko na tinapon ko sa isang plastic bag ng basura yung styro cup at dun ko biglang napansin na napakadami ko na palang nakokonsumo na ganun, biglang sumagi sa aking isipan na hindi ito maganda sa kalikasan at doon nagsimula na sinubukan ko kung gaano karaming basura ang tinatapon ko sa isang araw

Naligo ako dahil papasok nako sa eskwelahan. Nung magsashampoo nako huling gamit ko nalang yun at ubos na ang laman ng sachet. Tinapon ko ang sachet na isang plastic. After ng kape wala pang limang minuto merun na kaagad ako nadagdag na basura.

Pagdating ko sa school gutom ako gusto ko kumain kaya napagdesisyunan kong bumili muna ng pagkain. Maaga pa naman kaya umikot muna ako at namili ng maalmusal. Sa isang tindahan  na binilhan ko nakita ko agad ang makapal na plactic bag na ready ng gamitin para sa lahat ng bibili. At marami ang bumibili sa tindahan na yun araw-araw. Binigay sa akin ang order ko naka styro ulit at dahil medyo manipis yung plastic bag dinoble pa iyon ng tindera. Sa isip ko, grabe pala, nakakadagdag pala ako sa problema sa baha, lalo na’t nakikita ko ang isang pumping station na malapit dito halos hindi na gumana dahil sa dami ng basura na nakukuha at puro plastic

Umakyat nako sa building para kumain at siyempre maya maya pa, pagkatapos kong kainin yung almusal ay dumating na ang Propesor namin. May klase na. Pagdating ng tanghali gutom nanaman ako bumili ulit ako ng pagkain at sinadya kong sabihin na wag nalang iplastic bibitbitin ko nalng kasi kaya ko naman, pero napakadalas hindi ko ginagawa yun.

Nauhaw ako at bumili ako ng tubig. Nasa plastic bottle at iplinastic pa ng tindera, tinanggap ko naman, hahahah hindi consistent diba. Kinahapunan nagugutom nanaman ako at bumili ako ng turon, dahil hindi naman pwede kamayin, plastic nanaman ang natanggap ko kasama ng turon.

Wala akong pinagsabihin sa mga kaklase ko ng mga obserbasyon ko na to at kung ako ay may kakayahang makatanggap ng mga plastic malamang sila din.

Tapos na ang maghapong klase at madilim na,oras na para umuwi, habang nasa daan, bumili ako ng penoy iisang piraso lang pero plinastik din ng nagtitinda at nung humingi ako ng suka na binigay naman na nakaplastic din.

May nakita akong isang basurahan ng gabi na yun na puno ng mga basura at pumasok sa isip ko na hahakutin na ito kinabukasan, GANUN LANG NAMAN, ITATAPON TAPOS HAHAKUTIN PARA ITAPON SA MAS MALAKING TAPUNAN.

Kinabukasan madami bumibili ng kape at sabi sakin ng tindera aba bakit may dala akong tasa ngayon? “ate andami ko na palang naitapon na styro cups at masama yun sa kapaligiran.” May sumagot na isang bumibili, hindi naman daw masama yun kung itatapon naman sa tamang tapunan. Ngumiti lang ako, pero simula noon lagi ko ng dala yung tasa minsan baso, wala kasi akong gamit talaga.

Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko, Ako lang ba yung nakapansin ng ganun? Pero walang saysay din naman kung lagi kong iaallow na makatanggap ng plastic para lang maging basura, na aminado naman akong hindi ako consistent kasi kailangan ko din naman kasi ng plastic, pero pag kaya kong wala sinisikap kong wag na tumanggap.

IKAW, ANONG MASASABI MO?

Pwede mong icocoment yan at ifollow mo ang blog ko dahil madami pako isusulat na hindi ko alam baka makakatulong pala sa iba

Maraming salamat sa pag bisita sa blogsite ko. Mabuhay ka!

Advertisements

5 thoughts on “Ako lang ba ang may Plastic?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s