May mga naghihintay ata ng story na to. Sensya na, kung natagalan.
Sabi nila nakakainspire daw ang story ko, pero parang lahat naman kaya to. Kung nakakainspire nga, eh i share ko na.
Disclaimer: Hindi ito ipinublish para ipagyabang but to inspire and influence the youth to choose education. Kung naiinspire ka magbasa, maraming salamat. Pero kung sa tingin mo boring lang, feel free to stop reading. Medyo mahaba ito dahil ipupublish ko din sa blog ko. Lets remain friends and respect each other.
March 25, 2019 nung mainvite ako sa Mary Josette Academy na umattend ng Graduation at Moving Up Ceremony upang maintroduce as newly hired teacher. Galing ako ng Manila at call time ko ay 5pm. Nakakahiya naman kung malate ako kaya 4:30 pa lang nasa campus na ako. While waiting, Nakita ko ang isang neighbor na nagtitinda ng garland para sa graduation. Hinahangaan ko ang kasipagan nya dahil nakapagpatapos na sya ng anak at teacher din ang anak nya na aking childhood friend. Nilapitan din ako ng isang lalaki na kilala din ako at nagtitinda din at inalok ako na bumili. Sabi ko lang- ” Wala akong kasama”. At sumagot din ang guard ng school na “Hindi siya parent, ininvite siya dito dahil Teacher siya”At biglang nagflashback lahat sakin nung mga oras na yun. Sa dinami dami ng nakalagay sa work experience ko sa Resumè. Maraming hindi nakakaalam na naging sampaguita vendor ako ng mahigit dalawang taon 2003-2005 at isa rin ako sa vendor na nagtitinda ng garland na pang graduation. I was reminded to be thankful to the Lord and be humble.
May point sa buhay ko na wala akong trabaho at pinili kong maging vendor dahil ayaw kong masayang ang araw at mahirap buhay bawal maging tamad. Masipag ako pero I am a victim of -Contractualization. Kahit gusto mong magwork, endo is waiving, kaya hate na hate ko yang endo noon, yan dahilan ng paghihirap ng maraming Pilipino sa tingin ko, maswerte pa mga kabataan sa food chain ngayon bawal na endo. Hindi ko ikinakahiya na naging sampaguita vendor ako dahil ang lahat ng bagay ay nagkakalakip lakip para din sa ikabubuti kung nagtitiwala at minamahal mo ang Diyos. Roma 8:28.
Nagpatuloy ang buhay, naging factory worker, service crew, etc at may 4 na taon akong experience sa sales. Noong nasa Cabuyao Laguna ako naging client ko lahat ng Principal ng mga Elementary schools sa Cabuyao. May pondong nairelease sa kanila at sa akin silang lahat bumalik para bumili ng Tv, etc. Ito ay sa kabila ng maraming appliance store sa bayan. Tandang tanda ko pa sinabi ng isang Principal. “Alam mo ang galing mo maghandle ng customer, madami kaming hiningian ng quotation pero sayo yung pinili namin dahil ikaw yung pinaka madaling kausap lalo na marami kaming bibilhin at naghahanap kami ng discount.”
Ako: Mam, malapit po sa puso ko ang mga Teachers, at alam kong para sa mga bata yung binibili nyo. At isa pa po, pangarap ko din pong maging Teacher.
Taong 2007 ito at sinabi sa akin ng Principal kung gusto ko magaral magsabi lang daw ako at tutulungan akong makapasok sa Pamantasan ng Cabuyao. Ang sagot ko lang noon. “Mam gusto ko po sana pokus lang sa pagaaral, hindi ko po kayang bitawan ang work ko sa ngayon dahil ako lang inaasahan ng family namin.
Alam ng Diyos na gustong gusto ko magaral, iniisip ko nung panahon na yun na igrab ko kaya yung offer ni Mam Principal. Pero mas pinili kong hindi muna igrab.
Nung nawala ako sa sales dahil nadin sa company financial difficulty ayun palipat lipat nanaman ng company dahil dyan sa contractualization na yan. Madami akong company na napasukan hindi dahil sa hindi ako tumatagal sa kanila sa katunayan nagdadasal akong magkaron naman ng trabahong permanent. Sa katunayan kahit casual lang ako sa ilang company naeextend ako. Inaabot ako 4 years dun sa isa, 4 years din dun isa, almost 4 years din sa call center. 12 years agad yun.
Nung nasa call center na ako dahil sa training na nakuha ko ng free sa TESDA, umokey kahit papano ang kita. Nageenjoy ako sa trabaho ko, nakakakuha ako incentives, at medyo mas mataas talaga ang sahod eh. June 2014 yung time na naggoogle ako ng schedule ng exam sa PUP dahil feeling ko kaya ko na. Nov.29,2014 first time ko umapak sa PUP na siyang pinangarap ko nung highschool ako. 1998 ako grumaduate ng high school at ang pumasa noon sa PUP na nagexam sa section namin ay ang Top1, Top2, at Top3. At pumasa nga ako March 2015 ang pangalan ko ay kasama sa list ng passer na qualified magenroll.
Napakasaya ko nung pumasa ako sa entrance exam. From 1998-2015 sa wakas makakapagcollege na ako. Nakuha ko ang slot sa kursong top priority ko dahil gusto ko talagang magturo. Subalit may pangamba ako kung kaya ko bang tapusin ito.
June 2015 nameet ko na ang mga kaklase ko na kakapanganak palang nung grumaduate ako nung high school, at may isang tumawag sakin ng tatay. Si Maria yun hahah at lahat sila ay tinawag nako na tatay. I’ll be honest punong puno ako ng adjustments, nahihirapan ako.
Una, mahirap na pagsabayin ang pagaaral at trabaho. Nagaadjust ang katawan ko nagtatrabaho ako sa gabi at papasok sa umaga. May P.E pa na tatakbuhin ang oval ang hirap kaya, nakakahilo hahah.
Pangalawa, sanay nako sumweldo at totoong totoo pala na pag nasanay kana kumita tila baga ang hirap ng bumalik magaral. Alam na alam ko yan. Kumikita naman ako bakit ba ako magpapakahirap pa. Yan ang sinasabi ng isip ko.
Pangatlo, sa sobrang tagal ng gap ng pagaaral. Limot ko na ang mga napagaralan ko nung high school lalo na sa math na siyang napakahalaga para sa kolehiyo. Feeling ko nasa kinder ako na sinabak sa college. Its not very easy lagi akong double time sa pagrefresh ng learning.
Ang tatlong bagay na ito ang naging dahilan upang hindi ko seryosohin ang unang semestre ko sa kolehiyo. July 2015 hindi na ako pumasok ang bilis ko gumive up. Hanggang sa nagbigayan ng grade. Wow 5 out 9 subjects ang naipasa ko, the rest ay tatlong widrawn at isang droped. Nung nakita ko ang grades ko sa unang semestre nalungkot ako dahil hindi ako ganito magperform nung high school ako. So i decided to enroll in the next semester, tatlong subject lang wag lang ako maging returning student dahil mahirap proseso kapag ganun. Ito ang pinaka malaking pagkakamali ko sa kolehiyo. Hindi ko pa din kasi mabitawan ang work ko kailangan ko din kasi. Ang resulta ng pag uunderload ko ay kailangan kong habulin ang mga back subjects. Nagsimula akong magbasa ng PUP Student handbook para malaman kung ano ba ang standing ko as student.
Nanalangin at sinuri ang sarili kung kaya ko bang harapin ang consequences ng mga pagkakamali ko. Theres suddenly a courage within me na yes ituloy na, no matter what. Ganun pala yun kung 100% ka na desidido kaya mo. Doesnt matter you stumble, its how you rise and face the consequences.
Nagrender ako ng resignation sa call center, pero sinigurado ko makabili ng laptop. True enough dahil ang laptop ko ang naging sandata ko para kumita online para makapagpokus ako sa pagaaral. Ito ang nagtawid ng allowance ko hanggang tumuntong ako ng third year. Naging virtual assistant ako ng dalawang kliyente, isa sa U.S na may real estate business at isang taga U.K na may online store. Part time ako sa kanila at alam nilang student ako. Inabot din ako isang taon sa kanila. At dumating yung point na gumanda ang takbo ng negosyo nila at gusto nila na magfulltime nako. Hindi ako pumayag dahil maapektuhan nanaman ang pagaaral ko.
Nagsummer class ako para habulin ang mga subjects. Kakainggit mga kaklase ko bakasyon na ako nagaaral pa. Pero ganun pala yun titiisin mo lahat para makagraduate ka. At ang malupit pa nagpalit ng curriculum at yung mga subjects na kailangan ko ay hindi na inooffer sa lower years. Yes napakarami kong pinasukan na section dahil naging irregular student na ako. Kailangan mong sulatan ang Vice President for Academic Affairs para irequest na iopen ang mga subjects. Ang mahirap ay magpapirma ng mga signatories. Kailangan kasi pumirma ng mga opisyal ng departamentong kinabibilangan mo. Sabi ko sa sarili ko ok lang to, basta maipasa lang lahat ng subjects.
Maipasa ba kamo? Everybody is thinking na matalino ako pero di alam ng marami na tumatagilid din ang ibang exams ko (yes mahirap yung subject eh). Pero ito ang naituro sakin ng Sintang Paaralan. Ang wag kong isipin na matalino ako dahil mas mahalaga ang sipag at tyaga kung nagaaral. May mga times na feeling ko babagsak na talaga ako, kaiyak. Habang mani mani lang sa mga kaklase ko, ako antagal ko magets hahaha. Sa kabila noon lagi ko lang dinadasal sa Panginoon na kung ito ang kalooban Mo, ipapasa mo ako. Kung sa iba nakakatawa ang mga katagang “Dasal lang, Dasal lang talaga”. Totoong totoo naman ito sa akin.
May subject na alam kong sobrang alanganin talaga ako at nagbigay ng worry sakin pero nagdadasal ako na ipasa ako ng Diyos, and suddenly ang final exam ay take home, siyempre maipapasa mo na yun. Mas mahaba time mo at may internet na sobrang laking tulong kung gagamitin lang talaga sa tamang paraan. God will make a way, when there seems to be no way.
Ayun nga every year nagsusummer ako para makahabol. At nagooverload kung possible, hanggang sa unti unting gumanda ang curricular standing ko. Tinarget kong mag Deans Lister, at President Lister dahil ito ang paraan para hindi ako mahirapan magrequest ng subjects, at nagawa ko nga. Kapag may motivation, inspirational message at words of wisdom akong naririnig lalo na sa mga professors ko. Itinitanim ko ito sa puso ko upang magpatuloy ako. May mga panahong down ako lalo na pag nakikita kong struggle din sa financial ang family. Third year na ako nito at madaming gastusin. Nagsasabi ako kay nanay, isang sabi mo lang madali ako makakabalik ako sa call center dahil nagresign ako ng maayos. Pero sabi ng nanay ko, nandyan kana ituloy mo na.
Everybody believed na kaya ko, kaya dapat ko din isipin mismo sa sarili ko na kaya ko. ” Dont let them down” yan ang sinabi sakin ng professor ko.
Masaya, mahirap, at punong puno ng kulay ang buhay ko sa kolehiyo. Masaya dahil unang una napakadami kong naging kaibigan. Pag nasa College of Education ako napakadaming bumabati sakin (wow peymus) haha. Alam na alam ito ng blockmates ko minsan nagbibiro na lang ako na hindi ko na kaya ihandle kasikatan ko haha. Masaya bagamat may mga struggles ako, narealize ko na marami din pala akong strong points.. Masaya dahil sa katotohanang nasa PUP ka, itinuring kong pangalawang tahanan at alam kong isang lugar ng dalubhasaan.
Mahirap, paulit ulit kong naiisip na ayaw ko na, nakakapagod. May time na nagkaron ako schedule 7:30am to 9:00pm walang break kahit isang minuto mailusot lang ang mga subjects na kailangan ko. Isang semestre kong tiniis yun. Meron din 32 unit ang tinake ko isang sem dahil kailangan ko ng magoverload. Mahirap dahil dadating ka sa punto na mapapahiya kaka petition subject, ididisapprove ka ng paulit ulit pero dahil alam ko ang student handbook. Ipupush ko na mataas po ang G.W.A ko kaya dapat lang po iopen ang subject. Sa mga nakakakilala sakin kilala nila kung sino yung tagapagpahirap pag may request letter. The more na irereject ka the more na mas lalo kang magpursige. Dasal ulit para lumambot ang puso ng opisyal para iapprove ang request. Nakakaburn out, tambak na gawain, mahihirap na exam. May time na 6 hours ka nagmamath at ansakit na sa ulo. Baba muna lagoon magmiryenda pagbalik ko sa room “ano ng ngyare?” Mas lalo mo ng hindi gets. Thesis anim na letra pero ito talaga ang pinakamahabang intindihin pero salamat sa adviser ko Mam Joan sa tulong, ganun din sa mga prof ko sa coed para magawa namin yung thesis. Gusto lang ng teachers natin na pag binigyan ka ng opportunity na makahabol wag mo lang itong sasayangin. Mga prof na pinasasalamatan ko ng lubos : Mam Joan, Mam Daizy, Mam Mavel, Sir Jayr. Sa mga panahong nahihirapan ako kinuha ko lang lahat ng encouragement mula sa kanila. Mga guro na nagturo sakin kung paano ba talaga maging isang guro.
At dumating na ako sa application for graduation, na hindi padin ako makapaniwala na nagfifile na ako. “Gagraduate ako ng on time” ito talaga ang nasa isip ko sa kabila ng mga dinaanan ko. Submit ng mga requirements, sukat ng toga etc. Believe it or not ngayon palang talaga nag sink in sakin na gagraduate na nga talaga ako. Di na nga ako mapigil na magpagawa ng tarpaulin. Unang una kasi akong degree holder sa magkakapatid.
Sa apat na taon ko sa kolehiyo, apat na taon din ako nasanay magtipid. Kung nung unang sem may pang pa laundry ako lahat ng mga natirang sem ako naglalaba ng damit ko. Pero natuwa ako yung Prof ko sa PolGov napansin na ang puti daw ng polo ko haha ariel lang minsan tide. Ilang galaan ang tinanggihan ko bukod kasi sa sawa nako sa gala,sayang pera at limited budget lang ako, pinagkakasya lang kung anong meron ako. Diko nga alam kung paano ko napagkasya mga naging pera ko.
Behind the success may mga tao din na tumulong sakin, relatives at friends.
May 8,2019 is the date. Graduation day na. May forever! Forever akong magpapasalamat sa Diyos for letting this happen. By the way navision ko na noon pa na makakapasok ako sa PUP at ngyari nga because this is the will of God.
Sa mga students Prov.16:3 Commit to the Lord whatever you do and your plans will succeed. Wag tamad dahil pataas ng pataas ang academic standard ng educational system. Iwasan ang mañana habit. Gawin ang mga school works ahead of time. Discipline kaylangan mayron ka nyan para makagraduate ka. Endure lang the hardship magtiis at keep in mind that it is temporary, it will not last. Maging Obidient. Alam mo ba na pag masunurin ka sa teacher wala ka magiging problema. Wag din maging pabigat pag may group activities, wag maging pabuhat. Change for the better. Ask help when you need it.
Sa lahat ng mga nagpaabot ng congratulatory messages maraming salamat po. May mga nagppm pa, and i know that you are all happy. Ganun din po ako kasaya. I just wanna thank God, My beloved father, My mother and my siblings, relatives, classmates, professors, my students, part kayo lahat nito. Part kayong lahat ng itinuturing kong biggest achievement ko sa buhay sa kasalukuyan.
Wow! This is WOW! Very humbling experience, indeed.
Bilib ako sa tyaga at kasipagan mo, sir. Tunay ngang kung gusto natin ng pagbabago sa buhay, magsisimula ito sa sarili natin. Agree din ako na lahat ay nagsisimula sa isip at paniniwala na kaya mo, then from there eh madedevelop yung behavior towards that success. Start from change of perspective, then action, then result.
Isa kang inspirasyon kapwa ko Iskolar ng Bayan! Mabuhay ka!
LikeLiked by 2 people
Thank you!
LikeLiked by 2 people
Ano fb account mo?
LikeLiked by 1 person
Salamat po
LikeLiked by 1 person
What a very inspiring story. 🙂
Congratulations sir!
LikeLike
Salamat po
LikeLike