Practice Teaching Journey

Tinatawag din kadalasan na OJT, Off Campus, Practicum. Kahit ano pa man ang tawag ay di ko maiwasan na kabahan. Bakit nga ba hindi, eh panimula na ito ng laban, ang hamon ng pagiging guro.

FB_IMG_1542459677791

Ang picture na ito ay noong ako ay nag FS 2 at 3. Kailangan mo munang makumpleto ang Field Study 1-6 dahil ito ang pre requisite ng PT.

OMG! Ilang araw mula ngayon ay makukuha na namin yung letter sa Division Office na hudyat na magsisimula na talaga kami. Kinakabahan ako!

Carlos L. Albert High School ang aming napiling school dahil ito talaga ang school na para sa akin ay may pinakamababait at pinakamahuhusay na Teachers.

Magtuturo at mag hahandle na kami ng mga estudyante. Alam kong ibang iba na ang mga kabataan ngayon pero nandito na ako, malayo layo nadin ang nalakbay ko at konting konti nalang ay malapit na sa finish line, kumbaga ay Road to PICC.

Excited din naman ako dahil masaya naman talaga kasama yung mga classmates ko, mas dumami lang kami ngayon dahil may nadagdag. Proud ako dahil power house ang grupo namin. Paano ba naman mahuhusay talaga ang mga kaklase ko :). 14 kami na magkakasama sa isang buong semestre.

Excited ako na makita na magtagumpay sila, at kami paglabas namin ng unibersidad. Sa mga hindi po pala nakakaalam, sa PUP Sta. Mesa po kami nag-aaral.

Sa opening ng semester namin, ang opening remarks ng adviser namin, lahat daw kami ay mag iimprove at huhusay. Huhusay daw overall dahil kailangan. Kinabahan ako ng marinig ko yan.

Teaching is a calling, at kung dito talaga kami tinawag. May the Lord be with us.

 

 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s