Mag- Bakasyon Ay Di Biro

Kabi-kabila ang mga swimming na nagaganap ngayon, bakit nga ba hindi, eh summer naman, talagang masarap mag tampisaw sa tubig. Maraming oras din para maka bonding ang mga relative na matagal ng hindi nakikita.

Mag- travel ay di biro:

Lalo na kung hindi mo ito pinaghandaan at nagpadala ka sa bugso ng damdamin mo dahil sa dami ng nagbabakasyon. Hindi ko sinasabi na wag ka makisama sa swimming ha, ang sinasabi ko lang ay baka wala ka namang budget ngayong taon, hindi mo na alintana na may utang ka palang dapat bayaran.Β 

Kung magtatravel o magbabakasyon ka, makabubuting paghandaan mo ng mga anim na bwan ang gastusin mo. Kung on the spot kang magdedesisyon na magbakasyon at wala sa plano, maaaring maging butas ang bulsa mo, at pagbalik mo ay masakit na ang ulo mo kakaisip kung paano makakabayad sa ginastos mo, lalo na kung medyo malayo ang gusto mong puntahan, pero ok lang naman yan kung talagang may pera ka, or sinagot naman ng kumpanya mo ang paswimming nyo.

Para maging memorable ang bakasyon, makakatulong na mag-ipon muna ng pera at planuhin ang susunod na lakad mo, dapat ay consistent ka. Kung halimbawang Β 1k ang kaya mong itabi kada sahod, inuulit ko maging consistent ka, dahil katumbas nito ay 2k sa isang bwan at 12k naman sa anim na bwan. Yan pwede na, may pera ka ng panggastos. Kung iisipin mo ha 6 na bwan ang projection na yan, paano na lang kung bigla ka na lamang sumama sa isang galaan na ganyan ang posibleng gastos? e di uuwi ka na mangungutang ka.

Magandang babalik ka na wala ka namang iisipin. Iwasan mo ang utang kasi baka may makaaway kapa dahil diyan. Kung may kamag-anak ka sa lugar na pupuntahan mo, mas maganda para libre na ang tutulugan mo. Hangga’t makakatipid ka ay magtipid ka dahil mahirap ang pera ngayon kitain.

At dahil gusto mo rumampa sa mga beach, andami mong bitbit. “Travel Light” is the key wag kang masyado magdadala ng maraming gamit pag bumabyahe dahil maaring magbayad ka ng extra at ikaw din naman ang mabibigatan.

Tandaan din wag magupdate sa social media na papunta ka sa probinsya, at baka manakawan ang bahay mong iiwanan kung walang tatao.

Sa mga katulad kong wala naman sariling sasakyan, magkumpara ka ng byahe kung saan ka makakasulit, kung sa eroplano ba or barko, kahit alin sa dalawa makakakuha ka ng byahe na sulit kung masipag kang tumingin ng mga promo.

Merun din naman murang mga pasyalan na malinis gaya ng mga ilog kung talagang gusto mong swimming, or ipon na lang ng tubig sa drum kung wala ka talagang budget.

Kung naghahanap ka pala ng Hotel na mura para sa iyong bakasyon may maioofer sa’yo ang isa sa pinaka mapagkakatiwalaang online hotel booking ngayon, ang TravelBook.ph

Ngayong summer ienjoy natin ang tubig, wag magkalat ng mga basura sa pupuntahan nyo, at laging isipin ang kaligtasan para maging masaya ang bakasyon.

I follow nyo po ako or magcomment lang kung may gusto kayong ipahatid.

Salamat,

Yossef John

Advertisements

4 thoughts on “Mag- Bakasyon Ay Di Biro

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s