SI AIDA AT SI BPO

health-insurance-clipart.jpg

Ang facebook page ng Buhay Call Center Agent ang nakapagbigay ng maraming views sa article kong BUHAY CALL CENTER. PAANO KA PAPASA at may isang member dun na nagpost kung bakit daw parang naicoconect ang HIV sa BPO. Bigla akong napaisip dahil maganda ang punto nya, kaya minarapat kong magpunta sa website ng DOH para naman may basehan yung ibibigay kong mga data. At ito ang mga bagay na mahalagang malaman ng kahit sino hindi lamang ng mga nasa BPO.

Ang HIV/AIDS ay hindi birong issue, magkaiba ang dalawang ito.

Lahat ng impormasyon ay nasa website ng DOH

Bago tayo magpunta sa issue dapat nating malaman na sa ibang bansa ay lalo na sa Southeast Asia ay bumaba na ang mga kaso ng HIV, ito marahil ay binigyan nila ng pansin. Sa U.S kahit may HIV ka pwede ka mamuhay ng normal as long as madetect ng maaga at mabigyan ng tamang atensyong medikal. Sa Pilipinas hindi ganun katanggap ng lipunan ang katotohanan na masyado ng matindi ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng HIV/ AIDS. Kaya nga si Pia Wurtzbach, HIV awareness ang advocacy, at sinabi niya na timely at relevant ang usapin na ito sa Pilipinas

Bakit nga ba naicoconect ang HIV/AIDS sa BPO? Ako mismo nakarinig din ng pabirong linya na prone ka sa HIV/AIDS pag nasa call center ka nagtatrabaho.

Base sa data ng DOH ang bilang ng mga infected na lalaki hanggang December 2016 ay 36,801 at ang bilang naman ng babae ay 2,810. May Stat of the Month na tayo makikita sa website.

Mataas ang bilang ng mga lalaki. Ang mga nasa LGBT na gay o bisexualmen ay nabibilang sa mga lalaki. Naalala ko before sa website din ng DOH na inireport nila na sa mga cases, ay pinakamataas ang mga kaso ng mga lalaki na nakipagtalik sa kapwa lalaki ng hindi protektado. Lilinawin ko lang po, hindi ako against sa LGBT, at hindi ko din ipinupunto na sa kanila ang dahilan, tumingin lang po ako sa numero. Bagamat marami padin naman na dahilan kung paano nakakahawa ang sakit na ito. At dahil wala namang gender discrimination sa BPO, Madami tayong empleyado sa BPO na mula sa LGBT na talaga namang mahuhusay at masisipag kaya SIGURO naicoconect ang BPO sa HIV. PERO HINDI IBIG SABIHIN NUN NA DAPAT NG ICONNECT SA BPO ANG ISSUE NG PALAGIAN.

Ito ay pawang opinyon ko lamang at kung may masaktan akong damdamin humihingi ako ng dispensa, hindi ko po sinasadya.

Napakasensitibo ng issue na ito at maari po kayong maghayag ng inyong saloobin sa comment sa baba, ngunit siguraduhin po natin na maging maingat para hindi tayo makasakit ng damdamin ng iba.

Maraming salamat sa oras ng pagbasa sa aking article, Kung may mga bagay na gusto po kayong pag-usapan ipaalam nyo lang po sa akin, Ifollow nyo din po ako dahil maglalathala po ako ng mga sulat na makabuluhan,

Yossef John

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s