Pasko At Ang Pusong Mapagpasalamat

Screenshot_2018-12-22-21-05-49-1

Mabilis na lumipas ang araw, at hindi ko namamalayan na pasko na nga pala.

Masasabi kong hindi ganun kadali ang 2018 sa akin. Financially nakikita kong nahihirapan ang family ko dahil hindi ako makatulong sa kanila dahil hindi ganun kalaki ang kita ko online. Gusto ko na ulit talaga magtrabaho at kumita ng pera at makatulong uli na syang normal na ginagawa ko sa mahigit na 16 na taon. Hindi din ganun kadali yung naranasan ko maitawid lang ang thesis ko.

Sa kabila noon, nagpapasalamat ako sa Diyos na nakabayad ako ng renta ko sa room na inuupahan ko. Salamat din sa Diyos sa pagtuloy na pagbibigay ng malusog na pangangatawan hindi lamang sa akin kundi sa buong pamilya ko.

20181222_211917

May mapagsasaluhan kami sa noche buena, Totoong ang Diyos ang dakilang tagapagbigay, kailangan mo lang manalangin ng may pananampalataya.

Ang pasko ay hindi komersyalismo, ito ay panahon na alalahanin na tayo ay may pagasa dahil ito ang pagsilang ng tagapagligtas natin na si Hesu-Kristo. Para sa akin hindi naman sukatan ng ligaya at saya ang mga handaan, masaya na ako makita na kasama ko ang nanay, kapatid at pamangkin ko 🙂

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ko ngayong 2018, madami naman Siyang itinumbas na dahilan para iparealize Nya kung gaano Siya kabuti sa buhay ko, wala akong 13th month tatlong taon na pero masaya ako ilang buwan mula ngayon gagraduate na ako sa kolehiyo at ako ang unang magiging graduate ng pamilya namin.

Ito rin naman ang sinabi Catriona. She wanted to teach people to be grateful.

You can only teach people to be grateful if you are also grateful. Being grateful is having faith in God, no matter what.

Ikaw ano ang pinagpapasalamat mo?

Advertisements

2 thoughts on “Pasko At Ang Pusong Mapagpasalamat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s