Waiting for CSE-PPT Nov.11, 2018 Result

At dahil nga nagkaron ng bagyo noong Agosto na naging dahilan ng pagka delay ng CSE PPT sa NCR at Rizal.  Eksaktong isang linggo matapos ang Nov.11, 2018 ay kinakabahan na ako sa resulta. Halos wala naman kasi ako pinagsabihan na magtetake ako nito. Dahil syempre alam mo na mahirap eh kailangan muna malaman ang resulta. Pero baka malaman nadin ng karamihan dahil naka synch ang blog ko sa twitter 😀

Siyempre nagbabasa basa tayo, at nakikita kong mababa ang passing rate nung mga previous cse-ppt kaya naman hindi maiwasan na kabahan. Nariyang iniisip ko kung marami ba akong tamang naisagot, at kung papasa ba ako? Siyempre gusto ko pumasa! Diyos na nakakaalam.

20181018_113954

3am palang gising na ako dahil maaga ang call time. Room.038 Bonifacio Memorial Elementary School ako nakaasign. Dalawa ang dala kong ballpen. Masasabi kong nakapagreview naman ako. Pero mahirap talaga at time consuming yung marami kang babasahin at iaanalyze mo pa. Kaya ang nangyari sakin inuna ko muna sagutan yung mga alam ko at binalikan ko nalang yung iba. Sa room namin mayroong dalawang second taker na. Isang room na may 25 examinees na marahil ay may 25 din na ibat ibang istorya kung bakit sila naroroon. Sa case ko, naisipan kong magtake para nadin double advantage sakin. Late na ako nagcollege dahil wala kami pera noon, 4th year college student ako ngayon sa edad na 37 taking up Secondary Education Major in Math. At gaya ng reaction ng marami, “wow” din siguro ang reaction mo. Yan ang major ko pero nahihirapan ako dyan ngayon hahaha. But going back to cse ang mga math na naencounter ko ay kaya naman yun nga lang nagtyaga pako magsolve. May isa sa room ko na nagkamali ng pag shade ng examinee number at twice pa, mukang tense sya at hindi masyado nakapagbasa ng instruction.

Ano ba yun 11:10am ang end ng exam pero meron na 10:15am pa lang natapos na! Hanep! During that time naisip ko dalawa lang yun:

Hinulaan nya or magaling talaga sya.

Sabi ko sa sarili ko ayoko tumingin sa mga nasa paligid ko, dahil hindi naman sa kanila ang story ko. Kaya ayun nagtyaga ako magsagot ng math at masasabi kong may mga naitama naman ako.

May mas malaking hamon na parating sa akin at iyon ay ang Licensure Examination for Teachers (LET), Pero pinili ko padin itake na ang CSE-PPT para nadin naman maexpose nako sa pag eexam gaya nito. Kailangan ko muna makagraduate para maganda ang laban sa hinaharap.

Sinulat ko ito para malaman din ang kwento ng mga gaya ko na nagtake at naghihintay din ng result.

Ano ang kwento mo?

I comment mo at the same time i follow mo ako 🙂

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s