Pila Ulit Pila

20181020_101709.jpg

Ganito minsan ang nagiging kahulugan ng acronym na PUP. Nasa west wing ako naka assign noong naganap ang PUPCET 2019 First batch. Entrance exam ito para sa incoming first year college students ng PUP. Katatapos lang nung first set nung naisipan kong silipin ang pila, at napakahaba nga talaga. Sa pagkaka alam ko ay nasa 21k lang ang capacity ng main building. At umabot na sa 80k ang sumusubok na magregister upang makapag exam. Isa kasi ang PUP sa SUC o State Colleges and Universities sa nabigyan ng free tuition sa bansa kaya hindi kataka taka na lolobo din ang bilang ng examinees. Kadalasang tatlong batch ang ina administer para sa PUPCET at ang batch 2 ay mag eexam sa December 15,2018 sabado.

20181020_101647.jpg

20181020_084726.jpg

20181020_082328.jpg

Registered proctor ako, pero nung mismong araw ng exam ay hindi pumasok ang test administrator, kaya kinabahan ako. Maya maya pa ay nagpadala ng proctors sa room assignment ko at ako bale ang naging test administrator. Sabi ko nalang “Lord guide me” dahil first time kong gawin ito. Binasa ang manual, matamang sinunod ang mga nakasulat, at ginampanan ng buong puso ang tungkulin. Gusto ko lang kasi maglingkod bilang pasasalamat sa pamantasan na naging pangalawang tahanan ko sa loob ng mahigit tatlong taon. Its my way of gratitude na nakapag aral ako dahil sa pamantasang ito.

Halatang kabado karamihan sa examinees dahil this may determine their future, mayroon sa kanila na mageexam din sa ibang pamantasan masigurado lamang na makapag aral sa kolehiyo. Mainit, siksikan, maingay sa PUP subalit sa kabila nito ang mga iskolar ng bayan ay masaya!

Nakakamanghang isipin na naisasagawa ang PUPCET taon taon ng may kaayusan ito ay dahil sa bayanihan ng mga estudyante, guro, stakeholders na nagkakaisa sa layunin na maidaos ang exam sa pinaka maayos, organisado at patas na pamamaraan.

Panimula pa lang ang entrance exam sa pila na babakahin ng mga mag-aaral. Normal ang eksena ng pila dahil na din sa dami ng mga estudyante. Idedevelop nito ang temper at patience mo.

I follow mo ako at samahan mo ako sa mga lakbayin sa buhay sa pamamagitan ng mga isinusulat ko. Mapagpalang araw ng linggo!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s