NO TO PTB

Kung ikaw ay isang fresh graduate at naghahanap ng trabaho, napakahalaga ng medical status mo dahil ito ang pinaka magdidikta kung physically fit ka sa trabaho, nariyan na kukunan ka ng stool at urine analysis, may dental at physical examination din at isa sa pinaka mahalaga ang Chest X-Ray result. Kailangan na Clear ang resulta ng Chest X-ray mo dahil kapag hindi, ay malaki ang posibilidad na hindi ka matanggap sa trabaho. Kung sakaling matanggap ka naman ay mahalaga din na taon taon ay mamonitor mo ang kundisyon ng baga mo, kaya nga marami sa mga kumpanya ay may Annual Physical Examination na required sa lahat ng empleyado, ito ay upang masiguro din ang kalusugan ng hindi lang isang empleyado kundi kalusugan na din ng lahat ng empleyado sa isang kumpanya.

May dalawang bagay lang  na bagay akong gustong ipoint out:

Una, hindi porket merun kang PTB or Pulmonary Tuberculosis ay hopeless na.

Pangalawa, hindi porket wala ka nito ay hindi kana prone para magkaroon.

Maaring mahawa ka ng sakit na ito sa pamamagitan ng hangin, kapag nalanghap mo yung bacteria na galing sa taong infected. Kung nagkataong mayroon ka nito, wag kang malungkot na hindi mo kaagad makukuha ang trabaho, bagkus ay pagkakataon mo ito para mas maging malusog. NAGAGAMOT ang PTB. Isa ito sa mga sakit na binigyang pansin ng gobyerno natin kaya naman ay may mga pag-aaral na kontrolado na ito sa Pilipinas. Kaylangan mo lang gawin ay sundin ang payo ng Doctor para sa gamutan, at kung wala naman pambili ng gamot ay pumunta lamang sa Health Center na malapit sa inyo at humingi ng tulong, dahil may pondo ang gobyerno para sa tao na mangangailangan ng mga gamot para dito, kadalasan ay anim na buwan tumatagal ang gamutan.

Kung wala ka naman nito ay dapat panatilihin mong malakas ang resistensya mo sa pamamagitan ng healthy lifestyle at pagkakaroon ng kaalaman kung paano mo ito maiiwasan.

Kung ikaw ay regular na empleyado at dahil sa taunang examination ay nadiskubre na may PTB ka, ay pwede ka naman magfile ng sickleave, makipagcoordinate lang sa kumpanya mo para ayusin ang benipisyo mo sa pagkakasakit. Inuulit ko nagagamot naman ito yun nga lang maaring mahinto ka sa pagtatrabaho pansamantala, subalit mas mainam naman iyon para makabawi ang katawan mo para naman mas maging malusog ka sa future. Bright side ang tignan mo, wag mo ipilit na magtrabaho pa dahil hindi pwede.

Sabi nga nila ay Health is Wealth, totoo po iyon, dahil kahit gaano kalaki ang sahod mo kung magkakasakit ka naman ay balewala din.

Photo Courtesy of : Google Images

 

 

Advertisements

2 thoughts on “NO TO PTB

  1. Hi thank you so much for following sadwriterandatravellerphblog you don’t know how much it means to me, I followed you back! Nice set of blogs and works, I hope you also take a look at mine. WELCOME TO MY SAYLA LA LAND 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s