Kapag nasa pampublikong sasakyan ka

Papunta ako sa Alabang para i-meet ang isang kaibigan na matagal ko ng hindi nakita, sakay ng PNR Train ay nakita kong medyo malayo pa naman ang byahe. May napansin akong babae na ilang beses nagsabi “ang init naman”. Pasensya na Hot kasi ako, hahah sa isip ko lang naman at habang nakasakay ako sa Tren ay naisulat ko ito. Sulit ang byahe. Hahaha

Kapag nasa pampublikong sasakyan kaTricycle

Irespeto mo ang Driver, Hawak niya ang buhay at kaligtasan mo. Matuto kang maghintay kung nagpupuno pa ang tricycle. Wag mo baratin ang driver lalo na kung gabi, mataas maningil dahil walang maisasakay pabalik sa terminal, naghahanap-buhay din sila at kailangan makabili ng langis at makapagbayad ng boundary. Ugaliing kunin ang pangalan ng driver, nakasabit lang naman sa harap. Maging magalang sa katabing pasahero. Matuto din magpasalamat sa serbisyo kung naihatid ka ng ligtas.

Kapag nasa pampublikong sasakyan ka-Jeep

Irespeto mo ang driver, hawak nila ang buhay at kaligtasan mo. Matuto kang pumara sa tamang babaan, Hindi yung demanding ka sa pagbaba, may batas trapiko tayo. Mag-abot ka ng bayad sa driver, ngawit na kamay ng nagbabayad ayaw mo pa abutin. Magbayad ka, sa tagal na nila nagmamaneho, alam nila kung sino pa ang hindi bayad. Wag kang mandaya, Bayaran mo ng tama ang layo ng paglalakbay mo. Pagpasensyahan mo ang driver pag mali ng pagkarinig, halos lahat ng parte ng katawan nya ay gumagana. Pag alam mong masikip yung upuan wag ka naman nakabukaka para makaupo ng maayos ang iba. Wag ka manghingi ng discount pag holiday. Pag alam mong kalahati lang ng pwet mo ang nakaupo bumaba ka nalang kesa mangawit ang hita mo. Matutong pumila at wag maningit sa terminal. Wag kang magdikit ng bubble gum sa upuan, kawawa yung biktima, mahirap yung tanggalin sa damit. Kung smoke belcher ang jeep, ireport mo sa LTFRB, Nakakadagdag sila sa polusyon sa hangin. Isang text lang naman yun. May basurahan na nga minsan sa jeep kung makapagtapon ka ng basura sa bintana eh wagas. Habaan ang pasensya pag naiipit sa trapik. Magpasalamat kung naihatid ka ng maayos.

Kapag nasa pampublikong sasakyan ka-Bus

Irespeto mo ang driver, hawak nila ang buhay at kaligtasan mo. Iwasan ang pagkakalat sa loob ng bus. Sitahin ang driver kung nagtetext at masyado mabilis magpatakbo. Maging alerto sa mga mandurukot. Yung ibang naghihingi ng tulong sa Bus, raket lang yun. Kung ikaw ay babae, wag ka magdemand na pauupuin ka, pagod din ang tao, magkukusa sila ibigay ung upuan wag ka lang magparinig. Pag sobra ang sinukli ng kundoktor ibalik mo. Maging handa kapag mahirap ang byahe maaring tatayo ka ng matagal.

Kapag nasa pampublikong sasakyan ka-Tren

Wag kang maarte, alam mong laging siksikan sa LRT, MRT, at PNR. Wag maglabas ng mamahalin gadget at magsuot ng mamahaling alahas. Huwag ding magsuot ng seductive na damit tapos magagalit ka kapag nahipuan ka, umayos ka! Huwag kang magbabanggit na mapera ka (eh bakit nagcocomute ka?). Wag ka manigarilyo baka makulong ka. Iwasan ang pagbibiro na may bomba kang dala. Wag maarte kung may maamoy ka siksikan nga eh, pawisan. Kung dika komportable my option ka naman mag taxi.

Gaano man kalayo ang pupuntahan mo, makakarating ka din, kailangan mo lang ng tyaga. Tiis ka lang di lang naman ikaw yung nakakaranas ng ganyan. Alam mo lang dapat kung saan ka lulugar. Irespeto mo ang kapwa mo at konting haba pa ng pasensya. May idadagdag ka paba? Comment mo lang sa baba. Pwede mo din ako ifollow, para masaya. Salamat sa Oras!

Yossef John

Advertisements

11 thoughts on “Kapag nasa pampublikong sasakyan ka

  1. “Huwag ding magsuot ng seductive na damit tapos magagalit ka kapag nahipuan ka, umayos ka!” —- Agree po ako na umayos siya. Pero sa tingin ko, kahit seductive pa ang damit niya, wala pa ring karapatan ang iba na hipuan siya. At karapatan pa din niyang magreklamo kung nahipuan siya kahit ano pa ang damit niya. Hahaha. Saka tingin ko kung seductive talaga damit niya, dun na lang siya sa pambabaeng bagon sumakay. Wag na sisingit sa laan para sa lahat na bagon para iwas hipo. ✌🏻

    Liked by 1 person

  2. Maging maayos rin sana sila sa paglilingkod sa mga pasahero. Pagsinita, huwag rin sanang maghahamon ng pababain pasahero. Narasan ko iyan minsang papauwi ako, may isang ale na nang sita sa driver binalaan siyang pababain. Hintayin rin sana nilang makababa ng maayos ang pasahero bago mag paandar upang maging malayo sa disgrasya,..

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s