ANO BA ANG PAYPAL?

ANO ANG PAYPAL? Tatlong beses ako nakatanggap ng tanong na ito mula sa iba’t-ibang tao.

Kasabay ng napakabilis na pagbabago sa mundo ng Information Technology, marapat lamang na nakakasabay din tayo.Naalala ko tuloy para lang makapag balance inquiry kmi sa ATM ng tatay ko ay lumuluwas pa kami from Bulacan to Novaliches. Ngayon may bangko na, na malapit sa amin at pwede na din kami magbalance inquiry online, sa ganitong aspeto, naging napakadali na ng mga bagay bagay. Salamat sa Internet.

Ang Paypal ay  kumpanya mula sa America na nag ooperate sa buong mundo at kadalasang nagtatransfer ng fund o pera sa isang tao o kumpanya, pwede din itong gamiting pambayad sa mga transaksyon online. Kung magpupurchase ka ng isang bagay sa internet madalas mong makikita ang Paypal bilang isa sa mga option ng pagbabayad. Ito na kasi ang alternatibo sa Tseke o kaya ay Money Order.

Bilang isang Virtual Assistant sa Paypal ko tinatanggap ang sahod ko mula sa dalawa  kong kliyente sa America at Europa. Ito daw kasi ang pinakamurang paraan para maibigay nila sa akin ang sahod ko. Isang taon nadin simula nung gumamit ako ng Paypal.

Paano nga ba magkaroon nito? Una sa lahat ay kailangang mayroon kang account sa isang bangko. Mag sign up ka lang sa Paypal at ienroll mo ang bank account mo para doon mo makuha ang pera na ipapadala sa iyo. Hindi lamang pagpapadala ng pera, pwede din na ikaw ang magpadala sa ibang Paypal account. Libre lang ang pag sign up sa Paypal.

Paano ang proseso ng pagtanggap ng pera? Sa akin kasi gumagawa ako ng Invoice pag ngrerequest ako ng sahod sa Clients ko. Ang invoice na ito ay isa rin sa feature ng Paypal para dokumentado din ang mga transaksyon. Sakaling nakagawa na ako ng Invoice, ipapadala ko yun sa email ng kliyente ko at makakatanggap cya ng instruction kung paano siya makakapagbayad. Few clicks away lang ay maipapadala nya ang pera sa Paypal account ko at manonotify naman ako, Kung gusto ko na iwidraw ang pera ko sa local bank ko, ay itatransfer ko lang ang fund mula sa Paypal Account ko papunta sa Bank account ko. 3-5 Business days ang processing ng transfer bago yun maging available sa account ko. Gaya nga ng sabi ko dahil madali naman na magcheck ng balance onine, minomonitor ko nalang kung naitransfer na ba. So far naman lahat ng trinansfer ko ay naging maayos ang transaksyon.

Ayan sa susunod na maencounter mo ang Paypal, kahit papano ay may ideya ka na kung ano ba ito.

I hope nasagot ko ang tanong nyo, Follow nyo lang ako o kaya ay magcomment para sa makabuluhang mga usapan.

Maraming Salamat!

Yossef John

Advertisements

6 thoughts on “ANO BA ANG PAYPAL?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s