Bakit Maraming Angels si Sam Mangubat?

artworks-000032725346-itdzd1-t500x500

Sa totoo lang naman, hindi si Sam ang gusto ko manalo sa TNT, sabi ko pa nga sa isang kaibigan, “Tawag ng Tanghalan ito hindi Tawag ng Tagahanga” Totoo naman napakadami niyang tagahanga na kung tawagin nya ay mga Angels. Wala naman akong TV sa dorm at una kong napanood si Sam sa Wish 107.5 Bus nung kinanta nya ang All or Nothing  mayroon na itong 3.7M views ngayon. Hindi pa siya Grand Finalist noon, sabi ko pa “Sino ba siya?” di ko talaga kilala eh.

Okay, malayo ang nilakbay, hanggang makarating sa Grand Finals. Bago pa man siya sumali TNT, siya ay may sarili ng You Tube Channel, sa mga oras na sinusulat ko to ay mayron siyang 74,504 na subscribers, Marami yan, yung tipong nakakatanggap na cya ng pera mula sa You Tube sa dami nadin ng views ng channel niya, Ang article na ito  ay tungkol lamang kay Sam at obserbasyon lang kung bakit siya maraming fans. Kaya walang puwang ang mga bashers dito.

At dahil babad si Sam sa You Tube kakagawa ng mga sarili niyang videos at madami na din siyang subscribers na may mga sarili ding channels mabilis siyang nakakuha ng suporta sa mga Angels niya, at ito ang naging bentahe nya. Nakakuha nadin ng Recognition mula sa Wish 107.5 bilang Most Promising Artist, Kung di ako nagkakamali, nakakuha din si Morissette Amon ng ganitong recognition na ang video ngayon ay umaabot na sa lagpas 35M ang views.

Pagdating naman sa musika ni Sam, Capture niya ang marami dahil karamihan sa kinanta at ginawan nya ng video ay mga kanta ng mga boyband mula sa 90’s hanggang sa kasalukuyan, nung mga panahon na yan ay kasagsagan ng kasikatan ng mga boyband kaya maraming makakarelate pag kumanta na si Sam. Kung papakinggan din naman, maganda ang pronunciation ng mga english words na halos foreigner na ang tunog nya pag kumakanta.

Hindi naman nagsimula si Sam na mataas agad, may mga video nga siya na payat pa siya at yung buhok nga nya kakaiba, pero dahil nadin sa unti unti na siyang nakikilala, nagbabago din ang itsura nya.

Kung ako ang tatanungin alam kong malayo pa ang mararating ni Sam dahil mayroon kakaiba sa boses nya at napapanahon. Mahahasa pa siya para lalo pang gumaling, wag lang lumaki ang ulo.

Sa mga Angels ni Sam, kung mayroon pa kayong gustong idagdag, icomment nyo lang at pag-usapan natin dito. FYI subscriber na din ako sa channel nya. Angel nadin ba ako? hahaha

Maraming salamat sa oras para sa pagbabasa, hangad ko ang kasiyahan ng bawat isa, pwede nyo akong iffolow para updated kayo sa mga sinusulat ko. Hanggang sa susunod na mga likha.

Yossef John

Advertisements

20 thoughts on “Bakit Maraming Angels si Sam Mangubat?

  1. Ako rin po ay isa s mga tagahanga ni Sam. Who wouldn’t? He’s an ideal man to everyone for he has what all girls want. He’s
    1. God fearing, 2. Sweet, 3. Thoughtful, 4. Loving Son/Grandson/brother, 5. Unique Voice plus nalang dun yung looks nya.

    Liked by 1 person

  2. Tadaaa! Simula nung sumali si sam sa tawag ng tanghalan idol ko na siya . After niya manalo todo follow na ako sa ig.twitter at fb official niya tas nuod na ako ng nuod ng video niya. Whoooo sobrang nakakainlab yung boses ni sam pano nlng kaya pagnasa harap ko na siya 👻 sana makita ko siya 🙏🙏🙏🙌.

    Liked by 1 person

  3. Nung unang araw ng pagsali ni Sam sa TNT, nagustuhan ko na xa, laking 90s ako kaya relate ako sa mga kinakanta niya..simula noon sinearch ko na siya sa youtube,fb,twitter,instagram..dun ko xa sinimulang ifollow..diko alam basta nagustuhan ko siya, itsura,oo, lalo na sa boses at talent meron xa at kung gaano xa kahumble..and tingin ko mabait tlaga xang tao..higit sa lahat ung pagiging relihiyoso niya..nung natalo xa sa TNT, xmpre nanghinayang ako. Pero nung nalaman kong resbaker xa, naku, wala akong pinalampas hanggang grand finals..at hanggang ngayon, isa ako sa mga angels na patuloy na sumusuporta sa kanya..Iba kasi ung hatak ni sam ei,.at alam ko malayo pa ang mararating niya sa industiyang pinasok niya..

    Liked by 1 person

  4. Fan n fan po ako ni sam, mula p lng nun unang sali nia s tnt,kaya nalungkot akong matalo sia,sobrang tuwa ko ng bumalik sia at tuloy2 n an pagkapanalo nia,pampaAlis ng pGud,ika nga,kakaiba voice nia,plus puro boyband kanta nia,90s boyband fan ako,especially bsb,maybe un un reason,I really love sams voice..

    Liked by 1 person

  5. Hello po,,matanda na po at 3 anak at siempre po married,,nagcmula kong matuklasan c sam accidentally by tuning wish fm at c morrissitte ang pinapanood ko tas biglang nag appear ung cover ni sam then pinanood ko sabi ko sa sarili ba bagong singer ba to tas search ko cia sa you tube tas don ko na nakita ung mga performance nia sa tnt,,dati d ako nanonood ng tnt kc sabi ko wala man lng ako makita na ung tipong sasabihin mong may hatak karisma at talagang taglay ung totoong talento,,,,but hapi to say napa wowwwww ako sa mga performance nia lalo na don sa love runs out version nia tas mula non d ko tinantanan ang mga laban nia hanngang grand finals kesehodang rest time ko na basta mapanood ko lng cia,,kc lagi ako puyat sa pag aalaga ng matanda dto sa taiwan at dahil sa mga kanta ni sam naalis mga pagod ko dindaan ko sa pakikinig ng mga songs ang pangungulila ko sa aking pamilya,,,i love sam very much parang anak ko na yan..

    Liked by 1 person

  6. Kaya maraming angels si IDOL CRUSH SAM,dahil sa angking galing nya sa pagpeperform nya, ung inaangkin nya ang stage,at saka ang ganda ng boses nya,ginamit din nya ang angas ng kanyang mata,at saka ang gwapo nya,sa tuwing magpeperform sya kinikilig ako at mga angels nya, dun nya hinatak ang kanyang mga angels, kaya nainlove ako sa knya,
    #SOLIDSAMFOREVER

    Liked by 1 person

  7. Hi, im also one of Sam’s angel. Una ko xa nagustuhan sa tnt days pa when he sang “nvisible” by hunter hays kc super fave ko un. Tpos un, lagi nko nkaabang every sat sa showtym then pg dko xa napapanood sa utube ako tambay. Basta pag may free youtube agad at lagi sam puro sam…dko alam bkt nkakaadik c sam.i dont just call myself his fan kc love ko xa. Iba kc xa pgnagperform all out eh heart and soul…and lalo akong humanga sa knya nung nagconcert xa for a cause sa alonte,binan. Pinanood ko xa kc alam ko un lng ang chance para ma meet ko xa in person. Grabeh pla ang saya indescribable ang feelings…saya lang at nganga nlang walang nsabi kung di “iloveusam” tpos dko n alam ang nangyari nung nkita ko xa…..basta love namin c sam marbella mangubat… and bcoz i am also a christian kya believe ako d way he praises God and glorify God thru his songs…That’s why cguro God uses sam inorder to spread love…tnx for giving us d chance for us to express our love and support for my one and only Samgaling! Superbsam! Sambest! Awesam! By d way its my first tym to be a fan…..God bless

    Liked by 1 person

  8. Sam is a very versatile singer. Ngaun Lang ako nahook tlga sa isang Filipino singer. Kakaiba sya s ibang local singers. Ndi tlga ako nanonood ng TNT , nbabasa ko Lang ung Sam kc Nikkita ko mga positive reviews. Nung una wala Lang skin kc bka gwapo Lang sa tv so sinearch ko sya online at I was amazed by his voice and his moves on stage. Total package sya magperform kaya tuloy2 ko syang sinubaybayan. Una kong nahangaan s kanya yung kinanta nia yung Christ alone sa asop ndi asap . Dun ako npabilib s kanya kc nkikita ko ang emosyon at passion s pagkanta niya. Isa pang kahanga hanga s kanya eh ung navavalue niya ung Christian ways . Lagi nia I include C god s kanyang speech at nagpapasalamat na npakasincere s kanyang mga angels kung d dhil sa Amin, wala sya s kinatatayuan niya. Ramdam m tlga un. dmeng gwapong singers pero Iba ang impact n Sam. Pag pinapanood mo sya walang kang mapapansin n may halong yabang o feeling sikat. May ibang contestant kc s TNT n nkikitaang feeling sikat pag iniintervkiew d nman nanalo… I won’t mention names. Kaya todo support kme s kanya at kung tatanungin m ibang angels n pumunta s concert nia nung 27, puro positive ang comment. Npakaaccomodating p ng family niya. Ung money pla n npanalunan nia sa TNT ay inilaan niya s pagpapatayo ng church nla at ung din money s concert for d church. Yan din ang sbe ng close friends nia, mabuting tao si sam tska d sya maarte magpapic kht pagod smile p rin. Sana malayo p marating nia, support all d way… tska ung mga letters , gifts n nbbgay s kanya pinpost nia s media at never fails to say thank you! 👼👼👼

    Liked by 1 person

    1. Totoo po, sa una diku din gusto si Sam pero yung All or Nothing na kinanta nya sa Wish Bus ang napanood ko at simula nun nagustuhan ko na din sya..tapos yung Ikaw sa Semi finals napakaganda, recording artist tlga tunog nya.

      Like

  9. Hi, isa rin ako sa mga tagahanga ni Sam, at HandSAM ang tawag ko sa kanya. NAkuha nya yung attention ko kasi iba talaga yung dating nya para sa akin at ang boses nya. Kahit nung una palang na sumalang sya yung kulot palang buhok nya in-idolize ko na sya. Actually K-Pop ako talaga hanggang ngayon naman ultimate K-Pop ako, pero si Sam Mangubat wow, lahat ng mga channels nya nagsubscribe ako anything na nandun sya. Meron kaming compp shop, pati mga player dito sa amin sinasabayan nila ang kanta ni Sam pati ngayon si Sam na rin Sinisearch nila 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s