Mura lang ang magka-bahay

should-you-buy-a-foreclosed-home-1.jpg

Minsan maiisip mo kung talagang walang pera ang Pilipino. Kung titignan mo ang mga data sa Internet ay mataas naman ang sales sa Real Estate industry. Bakit nga ba hindi, eh isa ito sa pinaka magandang investment. Tumataas ang value ng mga properties taon taon, at wala ka namang nabalitaan na isang bahay na nabuhat at nanakaw.

Sa panahon ngayon ay napakadaming developer, real estate broker na pwede mong kausapin para makabili ka ng bahay. Pero alam mo ba na may isang paraan na makakuha ka ng bahay sa mababang halaga? Saan paba kundi sa pangunahing ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng pautang sa pabahay ang PAGIBIG.

Una kong narinig ang Acquired Asset o Foreclosed Property taong 2009, mayroon akong kasama sa trabaho na nag-avail ng programa at ang binabayaran nya lamang ay P1,000 kada bwan. Sabi nya noon “kesa mangupahan ako at magbayad ng magbayad, mas mainam na ito kasi tatlong taon na lang naman ay sa akin na ang bahay.”

Ang PAGIBIG ay may mga foreclosed properties na inoofer sa publiko. Ang mga ari-arian na ito ay may mga nauna ng nagmay-ari, subalit nagdesisyon na wag na lang ituloy ang pagbabayad, ibig sabihin ay may nabayaran na sa ari-arian kaya itutuloy na lang ng kukuha ang pagbabayad kaya mababa na lang ang halaga at konti na lang ang bilang ng taon ng pagbabayad.

At dahil talagang nacurious ako, isang beses na nagverify ako ng contribution ay nagtanong ako mismo sa sangay ng PAGIBIG, at ayun nga kung anong itsura ng bahay ay ayon na daw yun kaya bago mo ireserve dapat na mapuntahan mo muna ang property. Merun akong pinuntahan na property sa Sto. Cristo, San Jose Del Monte City Bulacan. Maganda  naman dahil along the highway yung subdivision two- storey yung townhouse at ang asset value any nasa P120,000 ang dapat nalang bayaran. Mababa ito kumpara sa mga nagmamahalan na property, yun  nga lang ikaw na ang magpaparenovate. Yung pinuntahan ko ay kaylangan iparenovate ang CR at Kwarto sa taas. Pero kung may pera ka lang din, mas sulit padin talaga eh. Kung ako tatanungin gusto ko talaga kumuha pero may mga bagay na pinapriority pa kasi ako although may sarili naman din kasi kaming bahay gusto ko pa ng isa. Kung isang libo mahigit lang naman ang babayaran at mga ilang taon, at kung magiging sa akin naman kesa mangupahan ako.

Para maavail ang programa, sundin lamang ang mga steps sa mismong website ng PAGIBIG

Kung sa tingin mo ay may napulot ka na maganda sa article na ito, pwede kang magcomment o ifollow mo ako dahil may mga kasunod pako na isusulat na maaring makatulong din sa’yo.

Maraming Salamat,

Yossef John

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s